Popular Posts

Saturday, November 26, 2016

Pusit with malunggay at at talbos ng Patola

Ito ay patsam lang na niluto ko. Kung ano kasi pumapasok sa isip ko yun ay ginagawa kong lutuin. Nag iisip kasi ako ng lulutuin ko noon tapos nakita ko sa freezer may dalawang pirasong pusit eh sabi ko sa sarili ko kulang para sa amin yun . Tapos may malunggay pa akong nakita sa refregerator. So inisip ko ano iluluto ko at paano ko lulutuin ito. Lumabas ako ng bahay then nakita ko yun mga patola ang lalago at ang lambot ng mga talbos. Opo talbos ng patola pwede pong gulayin. Sabi ko sa sarili ko pwede na madarami na siguro ito para ulamin. Ito yung mga ingredients ko .

2 pusit hiwain sa maliliit
talbos ng patola
malunggay
3 sibuyas
bawang
soy sauce
paminta
kaunting asukal
tubig
betsin

Una igisa ang bawang ,sibuyas pusit, malunggay, talbos ng patola. lagyan ng tubig. Lagyan ng kaunting soy ayon sa timpla mo,kaunting asukal para di masyadong maalat at paminta.Pag luto na lagyan mo ng betsin huwag marami at Pwede na itong iserve sa pamilya.Salamat sa pagbabasa po ninyo.



No comments:

Post a Comment