Marami ang ibat ibang uri ng daing. May daing na bangus, may daing na danggit. Itong nasa larawan ay isang halimbawa ng daing na danggit.
Itong isdang ito ay nung maliit ito ay ginagawang bagoong na padas. pero pag malaki na ginagawang daing naman. Ang daing kasi maari mong itago at iluto mo kung kilan mo gusto. masarap pag prito pero maari din isigang. OO sinigang maari pong isigang ang daing.Kung ako ang nag dadaing or kami dito sa bahay namin bago namin ibilad ang mga isda babad muna namin sa suka na may asin, asukal(para di maxado maalat),paminta at bawang. Para pag niluto masarap hindi na kilangan ng sawsawan.
No comments:
Post a Comment