Ito ay patsam lang na niluto ko. Kung ano kasi pumapasok sa isip ko yun ay ginagawa kong lutuin. Nag iisip kasi ako ng lulutuin ko noon tapos nakita ko sa freezer may dalawang pirasong pusit eh sabi ko sa sarili ko kulang para sa amin yun . Tapos may malunggay pa akong nakita sa refregerator. So inisip ko ano iluluto ko at paano ko lulutuin ito. Lumabas ako ng bahay then nakita ko yun mga patola ang lalago at ang lambot ng mga talbos. Opo talbos ng patola pwede pong gulayin. Sabi ko sa sarili ko pwede na madarami na siguro ito para ulamin. Ito yung mga ingredients ko .
2 pusit hiwain sa maliliit
talbos ng patola
malunggay
3 sibuyas
bawang
soy sauce
paminta
kaunting asukal
tubig
betsin
Una igisa ang bawang ,sibuyas pusit, malunggay, talbos ng patola. lagyan ng tubig. Lagyan ng kaunting soy ayon sa timpla mo,kaunting asukal para di masyadong maalat at paminta.Pag luto na lagyan mo ng betsin huwag marami at Pwede na itong iserve sa pamilya.Salamat sa pagbabasa po ninyo.
Popular Posts
-
Balat ng baka? Pwede isigang? Huh??? Yup pwede po isigang balat ng baka. Pero bago yun dapat malinis ang balat ng baka saka pakuluan ng ...
-
Daing (literally sun-dried ) refers to dried fish of the Philippines. fish prepared as daing are usually split open, gutted , salty libe...
-
Rabbit fish or “padas” is a favorite Ilocano and Pangasinan table fish served as sour soup or fermented, when fully grown is known as Bara...
-
Ito ay patsam lang na niluto ko. Kung ano kasi pumapasok sa isip ko yun ay ginagawa kong lutuin. Nag iisip kasi ako ng lulutuin ko noon ta...
Saturday, November 26, 2016
Friday, November 25, 2016
Daing na Danggit
Marami ang ibat ibang uri ng daing. May daing na bangus, may daing na danggit. Itong nasa larawan ay isang halimbawa ng daing na danggit.
Itong isdang ito ay nung maliit ito ay ginagawang bagoong na padas. pero pag malaki na ginagawang daing naman. Ang daing kasi maari mong itago at iluto mo kung kilan mo gusto. masarap pag prito pero maari din isigang. OO sinigang maari pong isigang ang daing.Kung ako ang nag dadaing or kami dito sa bahay namin bago namin ibilad ang mga isda babad muna namin sa suka na may asin, asukal(para di maxado maalat),paminta at bawang. Para pag niluto masarap hindi na kilangan ng sawsawan.
Thursday, November 24, 2016
rabbit fish or padas
Rabbit fish or “padas” is a favorite Ilocano and Pangasinan table fish served as sour soup or fermented, when fully grown is known as Barangen and Malaga,, Gusto gusto natinyan. Pwedeng lagyan ng suka, kalamansi hmmm sarap, ihalo sa kamati, ilagay sa manga. matatakam ka talaga. Nasa siyudad ka man magdadala sila siguro sa kanila kung galing ka sa probinsya ng La Union or Pangasinan. Kahit sa abroad na mga Pilipino na andun san panig pa man sila ng bansa for sure gustong gusto nila ito. Ang iba pag aalis na papuntang ibang bansa , magdadala sila ng ganito .
Subscribe to:
Posts (Atom)