Popular Posts

Saturday, December 3, 2016

Sinigang na Balat ng Baka

 Balat ng baka? Pwede isigang? Huh??? Yup pwede po isigang balat ng baka. Pero bago yun dapat malinis ang balat ng baka saka pakuluan ng isang araw para lumambot ito.Pag malambot na pwede na iluto kahit ano. Iyong iba ginagawa nila tinitimplahan sa suka for pulutan.  Para sakin sinigang . masarap kasi pag maasin asim.
Hiwaiin sa maliliit or katamtaman laman
Balat ng baka
Sibuyas
Bawang
Paminta
Luya
Asin
Tubig
mantika
Knorr sinigang mix

Una igisa muna sa mantika, sibuyas, bawang,luya, balat ng baka. Lagyan ng asin at paminta after magisa lagyan ng tubig pakuluan tapos ilagay ang knorr sinigang mix. Then serve sa family. Masarap try nyo rin po. 

Saturday, November 26, 2016

Pusit with malunggay at at talbos ng Patola

Ito ay patsam lang na niluto ko. Kung ano kasi pumapasok sa isip ko yun ay ginagawa kong lutuin. Nag iisip kasi ako ng lulutuin ko noon tapos nakita ko sa freezer may dalawang pirasong pusit eh sabi ko sa sarili ko kulang para sa amin yun . Tapos may malunggay pa akong nakita sa refregerator. So inisip ko ano iluluto ko at paano ko lulutuin ito. Lumabas ako ng bahay then nakita ko yun mga patola ang lalago at ang lambot ng mga talbos. Opo talbos ng patola pwede pong gulayin. Sabi ko sa sarili ko pwede na madarami na siguro ito para ulamin. Ito yung mga ingredients ko .

2 pusit hiwain sa maliliit
talbos ng patola
malunggay
3 sibuyas
bawang
soy sauce
paminta
kaunting asukal
tubig
betsin

Una igisa ang bawang ,sibuyas pusit, malunggay, talbos ng patola. lagyan ng tubig. Lagyan ng kaunting soy ayon sa timpla mo,kaunting asukal para di masyadong maalat at paminta.Pag luto na lagyan mo ng betsin huwag marami at Pwede na itong iserve sa pamilya.Salamat sa pagbabasa po ninyo.



Friday, November 25, 2016

Daing na Danggit

Daing (literally sun-dried ) refers to dried fish of the Philippines. fish prepared as daing are usually split open, gutted , salty liberally, and the sun and air-dried. it was originally a preservation technique as salt inhibits the growth  of bacteria, allowing fish to be stored for long period of time.
Marami ang ibat ibang uri ng daing. May daing na bangus, may daing na danggit. Itong nasa larawan ay isang halimbawa ng daing na danggit.
Itong isdang ito ay nung maliit ito ay ginagawang bagoong na padas. pero pag malaki na ginagawang daing naman. Ang daing kasi maari mong itago at iluto mo kung kilan mo gusto. masarap pag prito pero maari din isigang. OO sinigang maari pong isigang ang daing.Kung ako ang nag dadaing or kami dito sa bahay namin bago namin ibilad ang mga isda babad muna namin sa suka na may asin, asukal(para di maxado maalat),paminta at bawang. Para pag niluto masarap hindi na kilangan ng sawsawan.

Thursday, November 24, 2016

rabbit fish or padas

Rabbit fish or “padas” is a favorite Ilocano and Pangasinan table fish served as sour soup or fermented, when fully grown is known as Barangen and Malaga,, Gusto gusto natinyan. Pwedeng lagyan ng suka, kalamansi hmmm  sarap, ihalo sa kamati, ilagay sa manga. matatakam ka talaga. Nasa siyudad ka man magdadala sila siguro sa kanila kung galing ka sa probinsya ng La Union or Pangasinan. Kahit sa abroad na mga Pilipino na andun san panig pa man sila ng bansa for sure gustong gusto nila ito. Ang iba pag aalis na papuntang ibang bansa , magdadala sila ng ganito .